This story entitled “huling tunog ng pag-asa” is a very special gift for a special someone .Actually, he never knew anything about it, until it was published in our school paper. He texted me and asked if that was our story,he said-”justin,jenny,ces pa nga..haha”(justin was him and jenny is my counterpart,ces is my bestfriend) then I replied “haha..nung pinagsasasabi muh jan?baliw kba?haha”…I don’t want to let him know na gumawa ako ng story based sa story namin, ayokong isipin niya na importante siya…kapal niya..hahaha. Hope you like it…I’ve made this,for me to remember him all my life. And you! jowen..kung mababasa mo to,pakialam ko sayo…tago muh yang dyaryo mo,patayin kita ai..haha. Ingat palagi, magkokolehiyo na tayo,Goodluck sa walang kwenta mong buhay:) jukx..haha Goodluck sa magiging life after graduation mo…galingan mo! wag msyadong madameng babae,mapupurga ka niyan:) haha..geh

Alas-onse y media na ng gabi, saka palang matutulog si Jenny. Tapos na niyang gawin ang lahat ng mga assignments. Napakadami, dahil malapit nang matapos ang first grading kaya inabot siya ng pagkapuyat para gawin ang lahat ng iyon.

Mabigat na ang paningin at masama ang pakiramdam niya sa sobrang pagod na idinulot ng buong maghapon. Sa isang araw periodical test na. “Waaaaah! nakakapagod ah. I-aalarm ko nalang ‘tong phone ng alas-tres at saka ako magrereview”. Hawak niya ang phone nang may bigla siyang naalala. May kaunting talon sa kaniyang puso at kaba. Saka nagpatuloy papuntang inbox. Makikita sa kanyang mga mata ang kakaibang liwanag at gumuguhit sa kanyang mga labi ang kakaibang ngiti na unti- unti rin namang naglalaho. Binasa niya ulit ang mga text na hindi niya binubura. At iisang pangalan lang ang lumalabas.

Binitawan na niya ang phone, nilagay sa leeg para pag tumunog, magigising na din siya sa vibration. Double purpose kung baga. Nakatulog rin siya agad dahil sa sobrang pagod. Ngunit bago siya natulog, may isa paring taong nasa isip niya.

Brrr..brrr…nagulat siya dahil parang binarena yung leeg niya nang mag vibrate ito. “Ganito pala kalakas yung vibration haha, effective, gising na gising ako!”. Kausap na naman niya ang sarili. Sinimulan na niyang magreview.

Nang matapos siya. Nagbasa ulit siya ng isang message sa inbox.

Justin: morning jen, ingat pagskay sa jip, wag ka nang titingin sa mga hubong bata para d ka lumampas,Godbless ü

Napangiti siya. “Oo na, wag ka namang bababa agad sa jeep, para alam ko naman kung wala na pala akong katabi, haha”. Kausap na naman niya ang sarili.

Tatlong taon na ang nakalipas mula nang magkakilala sila. Noon, naririnig na niya ang ngalang Justin mula sa mga kaklase. “Si Justin, yung sa kabilang building?, “Oo iyon, may number ka?, “Wala eh, balita ko hindi niya pinapamigay ang number niya sa kung sinu- sino lang”. Natatawa lang siya sa pakikinig. Palagi niyang tinatanong na bakit ba ang babae ang naghahabol sa ngayon? At sino ba ang Justin na yun.?

Dumating ang kaarawan ni Ces, kaibigan ni Jenny. Imbitado siya kasama ng mga kaklase. At nagkataon na pati si Justin ay naroon dahil kaibigan siya ng kuya ni Ces.

“Ang daming food! Kain na kayo, wag kayong mahihiya mga bisita ko!” sigaw ni Jenny. Nagtawanan ang lahat dahil sa kaingayan niya. Tahimik lang si Justin habang kumakain kasama ang pinsan. Nagkakainan na ang lahat pero di parin siya mapatahimik. Patuloy ang tawanan hanggang sa maubos nila ang tig-iisang sandok ng spageti sa loob ng isang oras.

“Ces, iyon ba yung Justin?”,bulong niya. “ Oo iyon nga, bakit, gwapo ba? ayihi!”, tukso ng kaibigan. “Ngek?, siya pala yung pinag uusapan ng mga babae natin, ang itim naman ay, haha…crush nila yun? Mga walang mata…haha”. “Haha, mabait naman siya, at parehas kaming maitim, parang tinukso mo nadin ako, lumayas ka na nga dito!”, biro ni ng kaibigan.

Wala siyang makitang espesyal kay Justin tulad ng nakikita niya sa lahat ng lalake. Para sa kanya, walang perpektong lalaki, lahat walang itsura at lahat manloloko. Minsan na kasi siyang nasaktan, at isinumpa niyang hinding hindi niya hahayaang masaktan pa siyang muli. Matagal na panahon na ngunit di parin nagawang maghilom ang marka ng hinanakit.

“Justin!”, sigaw ng dilag. Napatigil siya, nagtaka kung bakit niya ito tinawag. Wala na siyang magagawa, lumingon na ang lalaki. “Wala lang pre, kaw si Justin diba?” nakangiting sabing dilag. “Oo bakit?, sambit ng lalakeng nagtataka. “Wala lang, naririnig lang kita sa mga kaklase ko, hehe”palusot ng babae. Tinuon na niya agad ang atensyon sa pagkain para matapos na ang usapan. Nagtataka parin ang lalake. Pinagmasdan niya si Jenny mula sa malayo at biglang sinabi, “ Kakaiba siyang ngumiti”.

Pak! “Aray!, bakit mo ba ako binatukan?!. “Ano ba kasing tinitignan mo dyan? Di mo ba ko narinig, umuwi na tayo, magpaalam na tayo kay Ces!”. “Ha?, ngayon na? mamaya na! di pa ko natutunawan!”. “Bakit? dito ka ba tatae at dito ka nagpapatunaw? haha”. “Bahala ka, manahimik ka nalang”. “Umuwi na nga sabi tayo eh!”.

“Sinabi na ngang…” naputol ang iringan nang biglang makitang papalapit si Jenny.

“Pre, may nanghihingi ng number mo, hindi ako ah? may nakisuyo lang”, sinabayan

niya ito ng ngiti kaya nautal si ang lalake at hindi na nakapagsalita pa, wala nang nagawa kundi ibigay ang number sa dalaga. Gusto sana niyang kuhanin din ang number nito, ngunit hinda na siya nakapagsambit pa ng salita dahil sa pagkabighani niya dito. Nagulat nalang siya nang nakaalis napala ang dilag. Ngumingisi gamit ang mala-anghel niyang ngiti na nahaluan ng pagka demonyo. “Haha, maloloko ko na mga kaklase ko, iinggitin ko sila, at bablack mailin ko, may libreng recess na rin ako, haha!”

“Oh Justin? bakit mo binigay ang number mo, himala, nagpamigay ka? at natahimik ka ata? natamaan ka ba? haha”. “Baliw, manahimik ka!”, sigaw nito.

Uwian na, sabay-sabay na silang umuwi sakay ngjeep. Ngunit nasa harapan si Justin katabi ng driver kasama ang pinsan. Walang planong magtext ang dalaga, tuwang tuwa kasi siya sa mga nakikita niyang nilalang habang daan. May nakita siyang pusang nagpapacute na gumugulong sa damuhan, pati asong kumakain ng kahoy, at kahit mga grupo ng lasenggo, sinigawan niya-“ Hoy! Mga anak niyo, wala pang gatas!haha”

Ilang minuto na ang lumipas na tila ba’y daantaon na para kay Justin. Naghihintay siya ng text ng dilag. Malapit na siyang bumaba. Tinignan ang phone, wala pa din. Nahalata ng pinsan ang ikinikilos niya at biglang sumigaw sa likod, “Hoy!, magtext ka dito sa pinsan ko, di niya alam ang number mo!”. Nagulat si Jenny mula sa likod, naistorbo kasi siya sa panunuod ng mga batang hubo. “Oo!pasensiya!”

Jenny: aq c ggmbla, at ggmblain kita, haha jenny to, haha ü

Justin: haha, pcnxa kna sa pinsan q, sira ulo lng tlga, jenny ka pla, cnu pla ngpaqha ng # q? pd wg mu na ibgay?, d q kxe pnpmgay # q eh..hehe

Jenny: haha, cge ba, d q aman tlga ippmgay, pamba blackmail q lng 2 sa mga m8s q para fri ang reces q.haha ü ket mu pala bnigay sakin?

Justin: geh haha, bba na q. ingatx ka

Jenny: edi bumaba ka,paki q haha.ü

Justin: weh, nina pa q bumaba ai, phiya, haha

Jenny: ai di q npncin, ang dlim kxe eh, di kta nkta, haha ü

Justin: ybang haha

Jenny: jukx lng, ingatz dn pla, geh geh ü

Justin: ok, ingat, Gbu

Nagsimula ang lahat noong araw na iyon. Kapwa nila madaling nakagaanan ng loob ang isa’t isa. Sa tatlong taong nagkakapalitan sila ng text message, hindi sila nauubusan ng pag-uusapan. Halos araw araw, magkausap sila, halos lahat ng nangyayari sa isa’t isa ay alam nila, lahat ng tungkol sa kanila, sa pamilya, pag-aaral, problema, kaibigan, at pati buhay pag-ibigalam nila, wala na silang naitatago. Sa katunayan, lagi nilang kinagagalitan ang isa kung meron mang hindi magtetext sa loob ng isang araw. Pinagdiriwang nila ng magkasama ang araw na nagkita sila. Naging masaya ang bawat araw pagkatapos nang araw na nakilala nila ang isa’t isa. Kung mayroon man silang ibang nararamdaman, hindi na nila sinasabi yun, dahil sa malaking pagpapahalaga nila sa nabuong pagkakaibigan.

Isang araw, naisip ni Jenny na pagkatuwaanang espesyal na kaibigan,bahagi ng plano niya na hindi muna itext at hindi magpakita rito sa loob ng isang linggo. Tiniis niya ang napakadaming text ni Justin, hindi sinagot ang sunud- sunod na mga tawag, at sinadyang lumiko ng daan para hindi sila magkasalubong ng binata. At nagtagumpay siya, nabalitaan niyang napakalungkot nito.

Sa mga panahong iyon, hindi na makatiis si Jenny. Hindi mapakali, dahil wala na siyang makausap, wala siyang masabihan ng mga nangyari sa kanya sa mga nakaraang araw. “Ganito pala ang buhay kapag wala si Justin, gara naman oh”.

Hinanap na niya si Jenny kung saan saan ngunit hindi niya padin ito makita. Malaki ang pag-aalala niya kung ano na nga ba ang nangyayari kay Jenny dahil hindi naman dating ganoon ang sitwasyon. Para bang dinudurog ang puso niya sa biglang pagbabago ng kaibigan.

Isang malungkot na araw na naman para kay Justin. Papunta siya sa bahay ng dalaga upang magbaka sakali. Nagulat siya nang biglang tumunog ang phone. Nataranta siya sa pag-iisip na si Jenny na ang nagtext. Bubuksan na niya ang message nang bigla itong tumilapon dahil sa batang nagmamadaling nakabangga sa kaniya. Walang ibang nasa isip niya kundi makuhang muli ang phone at hindi niya napansin ang rumaragasang kotse patungo sa kaniya. Hindi niya pansin ang sigawan ng mga tao.

Brrrr..brrr…Isangpanibagong tunog ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.

Narinig ni Jenny ang sigawan ng mga tao. Lumabas siya ng bahay upang makita kung ano ang dahilan ng ingay.

Napatigil, nagimbal, nabigla sa nakita , hindi siya makapaniwala sa nasisilayan. Biglang nagdilim ang paligid at umagos ang kaniyang mga luha. Tumakbo siya papalapit sa lalaking nakahimlay, wala nang buhay.

Nakita niya ang phone nito sa di kalayuan at angmessage niya na hindi nito nabasa.

Jenny: ui pareng Justin!ü musta n? cnxa n ah, gux2 q lng na mamiz mu q, pre, namiz kita, hehe, sa mga araw na un, nlaman q, na, mahal na mahal na mahal kita tlga, oh yan inamin q na ah, haha.Oh yan, wala nang iwanan ah, di na kita ulit iiwan, wag mu din aq iiwanah?,magpakailanman.promise?ü

Gusto niyang sumigaw ngunit tila hindi ito sapat upang mailabas ang hinagpis na nadarama. Hinawakan niya ang phone ng mahigpit at niyakap ang lalake. Huli na, tapos na, wala na siyang magagawa.

Pakiramdam ni Jenny, nag-iisa lang sila ni Justin sa gitna ng kadilimang hindi na matatakasan. Hindi niya mapatawad ang sarili at wala ng ibang nagawa kundi sumigaw.”Justin!mahal kita!bakit!”

“Mahal din kita Jenny. hihintayin kita, maliwanag na dito kaya makikita mo na ako”. wika ni Justin habang nakikita ang paghihinagpis ng kaniyang kaibigan.